Dahil sa pagtigil ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon, sinimulan ni AiAi Delas Alas ang kaniyang negosyong Martina's Bread and Pastries, na nagdiriwang na ngayon ng unang anibersaryo.

Ang Martina ay tunay na pangalan ni AiAi, at ginawa raw niya ang negosyo ng tinapay nang matigil ang kanilang trabaho noong nakaraang taon dahil sa lockdown.

Mismong si AiAi at ang kaniyang pamilya ang gumagawa ng tinapay, gaya ng ube pandesal na original recipe niya.

May kasama ring ibinebenta si AiAi na naka-bote na tinatawag na "fun drink," na magandang kombinasyon sa kaniyang pandesal.

Ayon kay AiAi ang kita sa naturang fun drink ang ipagkakaloob niya bilang donasyon sa community pantry ng isang simbahan kung saan kaibigan niya ang pari.

Samantala, naging emosyonal naman si AiAi nang sorpresahin siya ng asawang si Gerald at anak niyang si Seth Andre ng mga regalo para sa nalalapit na Mother's Day.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News