Muling binalikan ni AiAi delas Alas ang hirap na kaniyang pinagdaanan noong siya'y maging isang single mom at pinapalaki ang mga anak na sina Sancho, Niki at Sophia.

""Nako napakahirap. Isa 'yun sa mahirap na moments sa buhay ko," sabi ni AiAi sa "Tunay Na Buhay."

"Parati ko silang kasama sa taping, sa shooting. Or kunwari 'pag 'yung hanggang madaling araw 'yung shoot, tapos meron na naman tomorrow, meron kaming family day every Sunday talaga," pagpapatuloy ni Kapuso Comedy Queen.

"Grade school to high school she was very strict to the point na whenever my brothers' friends are over our house, she didn't like me to go out of my room. If lalabas man ako, bawal akong mag-shorts. When I turned 18, chill na siya, our relationship mas naging open," kuwento ni Sophia Andrea tungkol kay AiAi.

"Hindi siya tumigil na maging nanay sa amin. Hanggang ngayong may edad kami, nandiyan pa rin siya to support us, lagi siyang nandiyan para saluhin kung ano man maging problema namin," ayon naman kay Sancho.

Maliban sa tatlo, kasa-kasama rin ni AiAi sa kaniyang Tiktok videos si Seth Andre, na kaniyang inampon noong limang araw pa lamang ang edad nito.

"Ewan ko ba, parang noong mga panahon na 'yon, gusto kong mag-adopt. Ewan ko ba, nalulungkot ako, parang may hinahanap ako na, 'Ano ba 'yung misyon ko sa mundo after kong maging nanay, eh malalaki na nga 'yung mga bata?" sabi ni AiAi.

"Nag-pray ako, sabi ko parang nahihiya na ako kay Lord, baka talagang para sa akin itong batang ito."

Tunghayan ang buong panayam kay AiAi sa video sa itaas. – Jamil Santos/RC, GMA News