Sa programang “Tunay Na Buhay,” ipinasilip ni Albert Martinez ang kaniyang classic cars collection, na binubuo ngayon ng 21 na old school at mga bagong kotse.
Kuwento ni Albert, bata pa lamang siya ay hiniling na niyang magkaroon ng mga classic na kotse, lalo na ang Mercedes-Benz SL. Ngayon, ipinapagamit niya rin ang mga ito sa kaniyang only son na si Alfonso.
Maliban sa pangongolekta ng mga kotse, hilig din ni Albert ang off-roading, na nagsisilbing bonding na rin ng kaniyang pamilya. – Jamil Santos/RC, GMA News