Kahit may COVID-19 pandemic, nagawa pa rin ng kaniyang pamilya na sorpresahin ang Kapuso actress na si Klea Pineda at gawing memorable ang kaniyang ika-22 taong kaarawan.
Sa Instagram post, makikita ang isang video habang nakatakip ang mga mata ng aktres at inaalalayan papasok sa bahay.
Nang alisin na ang takip, doon na nakita ni Klea ang mga bulaklak, kandila at cake at handa sa kaniyang kaarawan.
“Wouldn’t have it any other way!” saad niya. “Maraming salamat sa pamilya ko! Ibang klase kayo! And of course thank you @kymahinay! You’re the best!”
“Happy 22nd Birthday to me!!!!,” dagdag pa niya.
Kamakailan lang, nag-post si Klea ng larawan habang nasa cockpit ng lumilipad na eroplano.
Ayon sa aktres, pangarap niyang maging isang piloto.– FRJ, GMA News