Mula sa pagiging asong-gala sa Olongapo, magiging sosyal na siya matapos kupkupin ng Megastar na si Sharon Cuneta at bilhan ng Louis Vuitton collar.
Nitong Lunes, ibinahagi ni Sharon ang larawan ng Louis Vuitton collar na binili niya para sa kaniyang aso na pinangalanan niyang "Pawi."
“Your collar is on its way home from Italy. Now I’m just waiting for you!” anang aktres.
Noong Biyernes, sinabi ni Sharon na kukupkupin niya si Pawi dahil napamahal agad sa kaniya ang aso nang lapitan siya nito habang nasa taping sa Olongapo.
Maraming netizen ang natuwa sa aktres dahil hindi niya itinaboy ang aso nang lumapit sa kaniya kahit pa may pagka-gusgusin ang hitsura nito.
“I will make the rest of your years happy and you will never have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe ... never have to panic to seek shelter from the rain and other elements,” saad ni Sharon sa caption ng kaniyang post.
“You will become a prince and be loved like you’ve never been loved before!,” dagdag pa niya.
Hindi naman kaagad nakuha ni Sharon ang aso pero inalagaan muna ito ng Homeless Dog Shelter sa Subic bago ibigay sa aktres.
“You’ll be home soon, Pawi boy! Hang in there! The good doctors will take good care of you. And then ... you’ll see just how much Mama will love you,” ani Sharon.– FRJ, GMA News