Umani ng libo-libong hearts ang elegantly gorgeous look ni Ysabel Ortega, na gaganap bilang si Jamie Robinson sa "Voltes V: Legacy."
Ibinahagi ni Ysabel sa kaniyang Instagram ang kaniyang photoshoot na may vintage na tema, kung saan nakita ang kaniyang classic beauty, ayon sa Star Bites report ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes.
Samantala, sinabi ni Martin Del Rosario, na gaganap bilang si Prince Zardoz live action remake, na peg niya si Loki ng Marvel para sa kaniyang karakter.
Todo na rin ang paghahanda niya para rito.--Jamil Santos/FRJ, GMA News