Patuloy sa pagdami ang mga tumututok sa GMA Network Entertainment website, na nakapagtala ng halos 200 milyong page views at higit 11 milyong user sa unang dalawang buwan ng 2021.
Sa ulat ni Maki Pulido sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing nakakuha ang GMA Network Entertainment website ng 198.7 million page views at 11.8 million users sa unang dalawang buwan ng taon.
Katumbas ito ng 31.74% year-on-year increase sa page views, at 14.48% sa users.
Noong 2020, nakakuha ang GMA Entertainment website ng 82.22 million users, na 44.38% na mas mataas kumpara noong 2019. Nakakuha rin ito ng 1.31 billion page views, na mas mataas ng 1.83% kumpara noong 2019.
Pagdating naman sa video views, umabot ito ng 9.59 million noong 2020 mula 3.72 million noong 2019.
Bukod dito, ng GMA Network din ang kauna-unahang Philippine network na nagkamit ng dalawang Diamond Creator Award, na pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng YouTube sa mga content creator.
Meron na nang mahigit 22 milyong subscriber ang entertainment channel ng Kapuso Network habang sa loob lang ng isang taon ay nadagdagdan ng mahigit 2 milyong likes ang main Facebook page ng GMA, na ngayo'y may mahigit nang 20 milyon likes at 1.07 billion views.
Sa loob din ng 10 buwan, nadagdagan ng mahigit 370,000 followers ang TikTok account ng GMA, at pasok sa top 6 most followed accounts ng 2020.
Nanguna rin ang digital platforms ng GMA News and Public Affairs dahil batay sa datos ng video analytics firms na Tubular Labs, numero una ang GMA News sa lahat ng Philippine media organizations pagdating sa video viewership sa lahat ng digital platforms nitong 2020.
Itinanghal naman na Most-Watched News in Politics Media Creator ang GMA Public Affairs sa Asia Pacific Region nitong Setyembre 2020. – Jamil Santos/RC, GMA News