Sinagot ni Iya Villania ang tanong kung gusto pa ba nila ng asawang si Drew Arellano na magkaroon ng ikaapat na anak.
"Not that we're planning on it, but should it happen, why not?" sabi ni Iya sa "Mars Pa More."
"A baby is always a blessing. So kung sakali, hindi naman sa we intend on really making it happen, but sometimes, you know, accidents happen, and it would be a happy accident kung sakali," dagdag ng "Chika Minute" host.
Tatanggapin daw nina Iya at Drew anoman ang ipagkaloob sa kanila ng tadhana sa kung ilan ang kanilang magiging anak.
"I can't say that it's impossible, I can't say 'No, it's not gonna happen' kasi it can eh. So if it does, at least I would still be happy."
Gayunman, isinasang-alang-alang din ni Iya ang kanilang mga gastusin sakaling dumating ang kanilang baby number four.
"Sobrang masaya kaso hindi masaya ang mga bayarin. Kapag gustong mag-travel, isang barangay ang kailangang [dalhin]. We're family pa naman that loves to travel, we love to be together. So kapag iniisip ko 'yun na, 'Kakayanin ba? May budget pa ba para magkaapat na anak?'"
Isinilang ni Iya nitong nakaraang taon ang bunsong baby girl nila ni Drew na si Alana Lauren. Bukod pa diyan sina Primo, 4, at Leon, 2.--FRJ, GMA News