Hindi naiwasang magtuksuhan sina Kakai Bautista at Ahron Villena nang ipakita ng aktor sa "Mars Pa More" ang kaniyang bachelor's pad.
"Mga alaala o! Charot," komento ni Kakai nang i-play ang video ni Ahron ng kaniyang bachelor's pad tour.
"Kakai, ikaw na kaya ang magkuwento tutal nakapunta ka na diyan," biro naman ni Ahron nang ipakita niya ang kusina ng condo unit.
"Ay naku naman, ma-o-open up na naman natin 'yang topic na 'yan bes," sagot naman ni Kakai. "Oo, diyan (kusina) kami kumakain palagi."
"Ayan bedroom, naku!" komento naman ni Kakai nang ipasilip ni Ahron ang kaniyang bedroom.
Ikinuwento ni Ahron na si Kakai ang nagbigay sa kaniya ng kaniyang comforter. "Sa kaniya galing 'yang comforter na 'yan. Binili niya noong ako ay nagpa-renovate."
Dagdag ng aktor, "sobrang favorite ko 'yung bigay ni Kakai na white na [comforter] kaya bes, palitan mo na 'yan ha," saad ng aktor.
Ayon kay Ahron, 12 taon na siyang nakatira sa kaniyang condo unit, na kaniyang pina-renovate noong 2015.
Matatandaang naging usap-usapan ang magandang ugnayan nina Kakai at Ahron noon pero nauwi sa tampuhan.
Pero sa huli, nagkaayos din ang dalawa at sinabi ni Kakai na mas mabuti na ang relasyon nila ngayon ni Ahron na makikita naman sa biruan nila sa naturang panayam. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News