Tiniyak nina Alden Richards at Bea Alonzo na magiging iba ang pagtatambalan nilang pelikula dahil may kaniya-kaniya silang "take" sa Pinoy adaptation ng Japanese series na "Pure Soul," na ginawan din noon ng Korean movie version.

"We're very happy dahil nag-inject talaga si Ms. Mel del Rosario ng Filipino culture doon sa script. And since it's an old title, it was done in 2004, so marami na rin ang nagbago sa society natin obviously with social media and all," sabi ni Bea sa Kapuso Showbiz News.

"So I can say na it's going to be a little different from the original title. But we will make sure that it's going to be a good one," dagdag ni Bea.

Ayon naman kay Alden, hindi nila panonoorin ni Bea ang Japanese series at ang Korean movie version na "A Moment To Remember" para magkaroon sila ng mga sarili nilang take sa Pinoy adaptation ng istorya.

"And since it's an adaptation, we agreed to not really watch 'yung Japanese version and Korean version kasi siyempre kahit paano naman, kapag may project na ganito... And it's my first remake rin kasi, first movie remake namin ito, so there's always comparison," sabi ni Alden.

"What we want as actors is do our own take on how we understood the roles," dagdag ng Kapuso actor.

"And kung ano 'yung mas challenging that we are working around the parameters of original form of the movie. Feeling ko it's going to be extra challenging and also very inspiring to have that control as actors," ayon kay Bea.

Gaganap sina Alden at Bea bilang mag-asawang hinarap ang kanilang mga pagsubok dahil sa maagang pagkakaroon ng Alzheimer's disease.

Nagsama-sama ang GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment para sa gagawing proyekto.-- FRJ, GMA News