Sa unang pagkakataon, magtatambalan sina Alden Richards at Bea Alonzo para sa isang pelikula. Para maisagawa ang proyekto, tatlong malalaking film companies ang magsasanib-puwersa.
Sa unang pagkakataon, magtatambalan sina Alden Richards at Bea Alonzo para sa isang pelikula. Para maisagawa ang proyekto, tatlong malalaking kompanya sa film industry ang magsasanib-puwersa.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing magiging hango sa Japanese series na "Pure Soul," na naging hit Korean movie na "A Moment To Remember," ang pelikulang pagtatambalan nina Alden at Bea.
Gaganap sina Alden at Bea bilang mag-asawang hinarap ang kanilang mga pagsubok dahil sa maagang pagkakaroon ng Alzheimer's disease.
"Wala akong natututunan kung laging doon lang ako sa mga comfortable na roles. Pero ngayon after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang 'yung kaba kasi hindi biro 'yung role," sabi ni Alden.
"Sa totoo lang nakaka-pressure. Kanina coming here I was so anxious, kinakabahan talaga ako because hindi ko rin naman alam what to expect. But then right now I feel so comfortable," saad naman ni Bea.
"I feel comfortable with Alden, I feel comfortable with the ones I just met, the bosses of these three film outlets," dagdag ng aktres.
Dream come true na itinuturing ni Alden ang makatambalan niya si Bea sa pelikula.
"Gusto ko siyang maka-work sana sa movie kasi nasubaybayan ko halos lahat ng movies nila ni John Lloyd Cruz," sabi ni Alden na dati nang aminado na iniidolo ang tambalan ng dalawa.
Sabi naman ni Bea, "Ang hindi niya [Alden] alam gusto ko rin talaga siyang makatrabaho. Kasi I have seen his movie with Kathryn and I thought he did a very good job with the character. I wanna be able to have that chance to actually work with him in a project and develop characters with him."
Nagsisimula na ang workshop nina Alden at Bea at masusi nang pinaplano ang lock-in shooting.
Nagsama-sama ang GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment para sa gagawing proyekto.
Pumirma para sa kasunduan sina GMA Films President Atty. Annette Gozon-Valdes, APT Entertainment Inc CEO and President Mike Tuviera, at Viva Communications Inc. President and COO Vincent del Rosario.
"We want to give this movie an international flavor talaga, lalo na with having both Alden and Bea together in it. So we feel that this project is perfect talaga for the both of them," sabi ni Atty. Gozon
"As in challenge talaga gumawa ng pelikula. Not just because of the cost, any shoot right now, any production right now is much more expensive dahil sa mga protocols na kailangan nating sundan, which is okay, kasi you want your crew, you want your staff, your cast to be safe," sabi ni Tuviera.
"We will hold out until such time na nag-normalize na 'yung cinema operations. Kasi 'yung movie is meant to be seen sa big screen rather than sa small screen," ayon naman kay del Rosario.
"It's gonna be worth the wait," sabi ni Alden. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News