Inihayag ni Juancho Triviño na maraming pinaglilihian ang kaniyang misis na si Joyce Pring, at mayroon isang hindi umano madaling hanapin.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing hindi maitago ni Juancho ang ang tuwa sa tuwing pinag-uusapan ang pagbubuntis ni Joyce.

Iba't ibang pagkain raw ang pinaglilihian ni Joyce, tulad ng alimasag, shake at ang indian mango na nahihirapan daw siyang hanapin dahil hindi nito season ngayon.

Bukod sa excited, ready na rin for the baby ang mag-asawa.

"Inuuna namin siyempre 'yung kami as a person mismo, maging prepared kami to have that kind of responsibility. 'Yung spiritual walk namin also, siyempre nandiyan 'yung books all about parenting. May mga gamit na kami at home na nasimulan nang bilhin," sabi ni Juancho.

Nitong Valentine's Day, ibinahagi ni Juancho ang emotional moment nang unang marinig ang heartbeat ng kanilang baby.

Sa video, makikitang umiiyak si Joyce habang tinitingnan ang sonogram ng kanilang baby.

"It's a baby's heart, it's fluttering. I'm so happy," sabi ni Joyce.

 

 

"Happy Valentines day to my one true love! ????" pagbati ni Juancho kay Joyce.

"This is a video of our second check up where we saw(heard) our baby’s heartbeat for the first time. To our last valentines day na tayong dalawa lang, mahal na mahal kita @joycepring!," mensahe pa ni Juancho sa kaniyang asawa. --Jamil Santos/FRJ, GMA News