Bilang isang komedyante, sinabi ni Sef Cadayona na malaki ang naging “impluwensiya” sa kaniya nina Vic Sotto, Michael V., Ogie Alcasid, at Janno Gibbs para pasukin din niya ang larangan ng showbiz at maging komedyante.

Si Sef ay isa sa mga sumali sa Kapuso talent search show na "StarStruck V," at ngayon ay isa na sa mga miyembro ng GMA-7 gag show na "Bubble Gang," ayon sa ulat ng PEP.ph

Isa rin rin siya sa mga napiling maging host ng bagong weekly comedy game show na "Game of the Gens," na kasama si Andre Paras.

Sa naturang palaro na nagsimula nitong Linggo, February 14, sa GMA News TV, dalawang grupo—na ang mga miyembro ay mula sa magkaibang henerasyon—ang magpaparamihan ng tamang sagot sa mga trivia questions para manalo.

Ang mga tanong tungkol sa music, dance, fashion, entertainment, at trends mula sa iba’t ibang henerasyon.

Sa virtual press conference ng Game of the Gens kamakailan,  nagpasalamat si Sef sa pagkakataong makapag-host sa unang

Sa presscon, natanong si Sef kung sinong mga komedyante ang pinakainiidolo niya sa industriya.

“Sa akin number one, Bossing [Vic],” mabilis niyang sagot.

“Of course, si Kuya Bitoy [Michael V],” mabilis niyang idinugtong.

Nakatrabaho ni Sef si Vic sa pelikulang My Big Bossing’s Adventure noong 2014. Regular namang nakakasama ni Sef si Michael V sa Bubble Gang.

Binanggit din ni Sef ang mga pangalan ng mga singer-comedian na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs.

Bakit nga ba iniidolo ni Sef sina Vic, Michael V., Ogie, at Janno?

“Kinalakihan ko sila, e," saad niya.

“Ako, hindi ako papasok sa larangan ng ganitong trabaho kung hindi dahil sa kanila. Kasi ang laki nilang impluwensiya sa akin,” patuloy ni Sef.

Ayon pa kay Sef, fan na fan ang dating niya nang una niyang makaharap sa personal ang iconic comedy trio na sina Vic, Joey de Leon, at Senate President Tito Sotto.

Artista na raw noon si Sef at iyon ang unang beses na nag-guest siya sa Eat Bulaga!.

“First time I guested sa Eat Bulaga!, dala-dala ko lahat ng CD at cassette ng VST,” kuwento niya.

Ang VST & Company ay isang OPM disco band noong 1970s, na kinabibilangan noon ni Vic.

Ang VST ang nagpasikat ng OPM classics na “Rock, Baby, Rock,” “Awitin Mo At Isasayaw Ko,” “Disco Fever,” at marami pang iba.--For more showbiz news, visit PEP.ph