Ilang buwan makaraang isilang ang first baby nila ni Rodjun Cruz, naibalik na ni Dianne Medina ang kaniyang magandang pangangatawan.

Sa Instagram post, makikita ang balik-alindog na pangangatawan ni Dianne sa kanilang family beach trip sa Batangas.

 

 

Sa isang larawan, makikita ang happy photo ng pamilya.

"My Everything (heart emoji) Love you husband @rodjuncruz and my @babyjoaquinilustre (smiling emoji with heart kiss)," caption ni Dianne.

 

 

 


Nitong nakaraang Disyembre, nagbigay ng mensahe si Dianne sa mga body shamer kaugnay sa TikTok video niya na kasama si Rodjun.

Ayon kay Dianne, hindi siya basta puwedeng mag-diet dahil nagpapa-breastfeed siya ng anak.

"Antayin niyo na lang if pwede ko na ibalik katawan ko. Okay? Inunahan ko na kayo kasi dami n'yo tanong. Thank you, [laughing emoji]" sabi ng actress at TV host.

Iniluwal ni Dianne ang first baby nila ni Rodjun na si Joaquin noong Setyembre.
Ikinasal ang dalawa sa Manila Cathedral noong Disyembre 2019. —FRJ, GMA News