Lalo pang pinatibay ni Glaiza De Castro ang pagiging Kapuso na umaabot na ngayon sa 16 na taon matapos siyang pumirma muli ng kontrata sa GMA Network nitong Lunes, February 8.

Sa social media account ng GMA Network, binati nila si Glaiza sa panibagong pinirmahan nitong kontrata.

Dumalo sa contract signing sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMAAC Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMAAC Senior Talent Manager Tracy Garcia, Program Manager Nini Matilac, at ang co-manager ni Glaiza na si Manny Vallester.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Ilan sa mga proyektong nagawa na ni Glaiza bilang Kapuso ay ang drama series "Ikaw Lamang Ang Mamahalin," ang "Stairway To Heaven", "Temptation of Wife," "Encantadia,""Grazilda," "Contessa" at iba pa.

Kasalukuyang siyang bahagi ng “All-Out Sundays” at mapapanood sa upcoming Kapuso drama series na “Nagbabagang Luha” kasama si Rayver Cruz.

Bukod sa pag-arte, isa ring mang-aawit si Glaiza at may bago siyang single na "Bank Holiday." --FRJ, GMA News