"Beautiful moment" ang paglalarawan ni Rocco Nacino sa isa sa mga tagpo sa kasal nila ni Melissa Gohing na hinding-hindi raw malilimutan. At ito ay nang maglalakad na si Melissa patungo sa altar.
"Pinatalikod muna ako para ma-surprise talaga. Nagtago muna ako, noong nakita ko na siyang naglalakad, nagsimula na, umiyak na ako nang umiyak," kuwento ni Rocco sa Kapuso Showbiz News.
Nagpigil pa raw ng luha si Rocco sa nais niyang maging presentable sa pagtanggap sa kaniyang bride.
"Tapos kinokontrol ko lang talaga 'yung sarili para maayos 'yung itsura ko pagtanggap ko kay Mel. Isa 'yun sa mga, kumbaga, saved video sa utak ko na hindi ko makakalimutan, watching the bride walk the aisle," anang Kapuso actor.
"Kasi supposed to be dapat civil lang, napakasimple, pirma lang talaga. But again you are free to do anything you want," patuloy niya.
Gusto raw iparamdam ni Rocco kay Melissa ang moment ng paglalakad sa aisle.
"And then gusto kong ibigay sa kaniya 'yung feeling ng maglalakad, and makikita mo 'yung mga kamag-anak mo na nandoon na pinapanood ka. Buti na lang sinama namin 'yun," sabi pa ni Rocco.
"Isa 'yun sa images na hindi ko makakalimutan, it was a very beautiful moment for me," ayon kay Rocco.
Ikinasal sina Rocco at Melissa sa isang naval warship sa Pier 13 sa Manila City.
kung mailalarawan ni Rocco Nacino ang paglalakad sa aisle ng asawa niya na ngayong si Melissa Gohing sa araw ng kanilang kasal, na lagi niya raw matatandaan habambuhay.
Ang kilalang fashion designer na si Francis Libiran ang nagdisenyo sa gown ni Mellisa.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News