Nanawagan si Jasmine Curtis-Smith na magkaroon pa ng mas mahigpit na batas laban sa film piracy matapos malaman na may mga namimirata ng bago niyang pelikulang "Midnight In A Perfect World."
"It is very sad and I really hope that we get to a point wherein film piracy here and in any other media for that matter, be at the digital series, on YouTube or any video on-demand streaming platform, sana maging kasing strict siya," saad ni Jasmine sa Kapuso Showbiz News.
Kuwento ni Jasmine, mahigpit ang ibang bansa pagdating sa pamimirata ng mga pelikula at iba pang content ng entertainment industry.
"I know for sure it's really strict in Australia. When I lived there, I myself encountered the government saying 'Hey you can't do this (piracy).' You get penalties for doing that."
Kaya hiling ng aktres na mas mabantayan pa ng gobyerno ang ginagawang pamimirata ng ilang tao sa mga pelikula.
"I hope dumating sa point na ganu'n ka-advanced 'yung tech natin dito or at least the systems that we have. Kasi it's difficult na nga na makakuha kami ng sinehan nu'ng panahon na puwede pang manood sa sine. Eh paano na ngayon na everything's on streaming?" sabi ni Jasmine.
"Kung kukunin niyo pa 'yung only opportunity na nga ng film makers at ng mga tao sa industriya ng pelikula at ng TV, paano pa kayo makakapag-expect ng bagong content in the future kung walang naiipon na pera? Kung walang kinikita na pera ang entertainment industry natin dito?" dagdag pa niya.
"It will fickle out one day and it will be much more difficult to produce content if we do not support the local content," patuloy ni Jasmine.
Paulit-ulit na palabas
Para kay Jasmine, ang pamimirata ang isa sa mga dahilan kung bakit tila nagiging paulit-ulit din ang mga temang itinatampok sa media industry.
"I know we keep saying, people keep saying 'Eh kasi naman paulit-ulit lang' o kaya 'Eh kasi naman recycled.' But we have stories like 'Midnight in a Perfect World' which is not a recycled story. It's so original, it's a fantastically well-written story. And I believe everyone in it gave their best in the same way that everyone that works on a film or TV gives their best," paliwanag niya.
Nanawagan ang aktres na dapat mabayaran din ng tama ang mga taong nagtatrabaho sa entertainment industry.
"The same way na 'pag pinalayas 'yung mga taong nagpa-pirate ng mga pelikula at ng mga teleserye, sila rin, you know, the money that you get from that can go towards the film industry somehow, maybe one day it could pay it forward with the film industry," ani Jasmine.
"It becomes a cycle and it becomes a holistic environment for preserving film, TV and everything else in that medium."
PInagbibidahan nina Jasmine at Glaiza de Castro ang "Midnight in a Perfect World" na available sa UPSTREAM.
Tungkol ito sa isang futuristic at tila perpekto nang Metro Manila, pero nagkakaroon ng mga blackout gabi-gabi at misteryosong nawawala ang mga tao.--FRJ, GMA News