Ilang buwan matapos gumaling sa bacterial meningitis, aminado pa rin Lani Misalucha na hirap pa rin siya sa pag-awit dahil sa naapektuhan ang kaniyang pandinig.

"I'm still struggling with my singing," anang batikang mang-aawit. "I cannot hear my voice well as well as the music. With the tinnitus being too predominant in my head is oftentimes masking the other sounds around me that also oftentimes driving me nuts."

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Lani na gumagamit siya ng hearing aid.

Nangangamba siya na baka hindi na siya makakantang muli.

"This is my profession, and then this happens. This has been my love, and then I don't know, ang iniisip ko na lang, is it going to be taken away from me?" pahayag niya sa nakaraang panayam sa GMA News "24 Oras."

Gayunman, tiniyak ni Lani na patuloy siyang lumalaban.

"I cannot thank you enough for pouring out all your love and support to me," sabi niya sa kaniyang IG followers.

"With all of you cheering me on I'm slowly regaining my confidence. Thank you uli," dagdag pa niya.

Bukod kay Lani, tinamaan din ng bacterial meningitis ang kaniyang mister.

Inihayag din ng mang-aawit na bukod sa pagkawala ng pandinig ay nakararamdam pa rin sila ng kaniyang mister ng pagkahilo na iniwang epekto ng bacteria. —FRJ, GMA News