Nanganak na si Andi Eigenmann para sa first baby boy nila ni Philmar Alipayo.
Sa Instagram post nitong Lunes, ibinahagi ni Andi ang larawan niya habang bine-breastfeed ang baby habang nasa tabi niya si Philmar.
"We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side," saad ni Andi sa caption ng larawan.
"Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!" dagdag pa ng aktres.
Mayroon nang dalawang baby girl si Andi.
Si Ellie na anak nila ng dati niyang karelasyon na si Jake Ejercito, at si Lilo na anak nila ni Philmar.
Samantala, binati naman ng batikang aktres na si Jaclyn Jose ang kaniyang anak na si Andi "for successful delivery to our newest member of the family."
Sa dating vlogs, sinabi ni Andi na plano niyang manganak sa pamamagitan ng c-section.--FRJ, GMA News