Humingi ng panalangin ang batikang aktres na si Gladys Reyes para sa kaniyang ama na isailalim sa angioplasty matapos na makaranas ng heart attack.

"From angiogram this morning to angioplasty now. I was called by the doctor to make an important decision after they saw in angiogram it doesn't look good, since I'm the 'panganay' and my mama is a senior and not allowed in the hospital," saad ni Gladys sa kaniyang Instagram nitong Biyernes.

Ayon kay Gladys, kinonsulta muna niya ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya bago siya gumawa ng desisyon hinggil sa kalagayan ng kanilang amang si Sonyer.

Hindi ito naging madali dahil may risks ang proseso ng angioplasty para lumuwag o maalis ang pagbabara sa artery, ayon sa mayoclinic.org.

"After consulting the family, I had to decide. Doctors explained the risks and I prayed hard. I know God is in control. Nakakapanibago lang wala kang karamay sa tabi mo because of strict safety protocols which I understand, I just can't help to feel a bit emotional but I know I'm not alone, God is with me," saad ni Gladys.

 

 

Patuloy namang humingi si Gladys ng panalangin, at naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat.

"From 8 am til now that the procedure is ongoing, just prayers!! I have faith.. everything will be ok!!" anang aktres.

Ibinahagi ni Gladys nitong Martes na nakaranas ang kaniyang ama ng severe chest pain, kaya isinugod ito ng kaniyang kapatid sa ospital.

Kinumpirma ng mga doktor na inatake ang kanilang ama.-- FRJ, GMA News