Bagong taon, bagong simula para kina Megan Young at Mikael Daez na inilahad na inuunti-unti na nila ang paglipat sa Subic, kung saan lumaki si Megan.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing ipinagdiwang ng Kapuso couple ang Bagong Taon sa pamamagitan ng road trip mula Subic hanggang La Union.

Tumuloy na sila sa Baguio para maranasan ang "sweater weather."

Ikinuwento naman nila sa kanilang YouTube podcast ang pagsunod sa safety requirements ng La Union.

"But to be honest with you, when we drove up, the checkpoints weren't populated," sabi ni Mikael.

"They had checkpoints where they would check where are you going, or are you from La Union, where you are coming from, etc. etc. But if you compare La Union to Boracay, definitely Boracay felt stricter," ayon naman kay Megan.

Matapos nito, bumalik sila sa Subic sa Bagong Taon para makasama ang mga mahal nila sa buhay.

Sinabi ni Megan sa isang post na ito na ang pinakamatagal na namalagi siya sa Subic ng holidays. Ngunit tila matatagalan pa sila dahil kasama sa gusto nilang subukan nang tumira dito.

"Semi-move. So 2021 is a new beginning for all of us," sabi ni Megan. "Well, we decided to test it out and thankfully they allowed us to rent first, so we're testing out the waters, on the feel of the house, how we feel about the environment, and kung good vibes. It's something that we wanna do in the future. So far I feel really good."

Ayon pa sa Kapuso couple, unti-unti na silang nag-a-adjust sa pamumuhay doon dahil tahimik at nakakapag-me time pa sila kung kailan nila gusto.

Gayunman, hamon para sa mga nagde-deliver mula sa mga online shopping na matunton ang lugar nina Megan, pero sulit naman sa ganda at kakaibang feels nito para sa kanila.

"Although we've been working out in our condo, iba pa rin 'yung feeling when you're able to work out with fresh air," sabi ni Megan. —LBG, GMA News