Inilahad ni John Estrada ang kinaiinisan niyang ugali ng ilang kabataang bago pa lang sa showbiz industry. Kaya naman nagbigay siya ng mga paalala kasama sina Carmina Villaroel at Tanya Garcia.
“Isa sa mga kinaiinisan ko sa industriya 'yung, hindi naman tayo nagpapa-[bida], pero naiinis ako doon sa mga batang wala pa man eh, parang hindi ka man lang marunong batiin. Alam mo 'yung mga ganu'n, 'di ba?” kuwento ni John sa latest vlog ni Carmina.
"You know, 'Hi good afternoon kuya/tito!'" 'di ba?" pagpapatuloy ni John.
Sinegunduhan naman ito ni Carmina, na sinabing dapat na magpakita pa rin ng paggalang ang mga bata at baguhang artista sa lahat ng mga nakakatrabaho nila, kahit pa sumikat na sila.
“Kasi kami when we started, siyempre mga bata kami when we started, lahat talaga. You always introduce yourself. Don't assume that people [know you]. Even if you are a superstar, kahit na ganito ka na, kung senior stars, kung hindi ka naman niya pinapanood magpakilala ka pa rin because it's a sign of respect,” sabi ni Carmina.
Tinanong ni Carmina si John kung nakaranas na ba ito na hindi batiin ng mga baguhan o batang artista. “Marami, marami rin. Wala na rin sila,” tugon ni John.
"Ayun ang sinasabi ko eh," sabi ni Carmina. “So bottomline, respect to everyone and all, whether you are a superstar, ganiyan, basta be kind! Wala namang masama if you are going to be kind.”
Paalala naman ni Tanya, dapat ding magpasalamat ang mga bata at baguhang artista dahil mas madali na ang buhay nila ngayon.
"Actually, ngayon nga, dapat nga itong mga bago mas... 'di ba before parang you're always on your own. Parang ngayon, ang dami nang glam team... So dapat mas aware sila ngayon because ayun na nga sila eh," sabi ni Tanya.
"Your lives are easier now," pagkomento ni John.
"Kasi ako honestly when I started, I didn't know that, na mayroon kang responsibility to your co-actors, co-workers, and to the viewers," pagpapatuloy naman ni Tanya.
"Kasi when I started, feeling ko work lang and then, uwi na. Pero with the stars nga ngayon, everything around them, surrounding them already, imposibleng hindi mo alam 'yun kasi, 'di ba 'yung glam team mo, alam din nila 'yan eh, nakakatrabaho rin nila 'yan," dagdag ni Tanya.--FRJ, GMA News