Sadyang mabigat na taon para sa marami ang 2020 dahil sa mga pagsubok na dala nito. Bukod sa mga kalamidad at pandemya, marami rin ang sumakabilang buhay, kabilang na ang ilang celebrity.

Sa pagtatapos ng 2020, isama natin sa panalangin ang mga pumanaw na, kasama na ang mga namayapa nating idolo na minsan nagdulot sa atin ng saya sa pamamagitan ng kanilang mga talento.

Ipagdasal din natin ang mga naiwan nilang mga mahal sa buhay na sana'y madali nilang malampasan ang pighati at pangungulila.

--FRJ, GMA News