Inihayag ni Richard Yap ang nag-udyok sa kaniya para maging isang Kapuso. Kasabay nito, grateful din siya sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng Kapuso fans, na kilala rin siya kahit nanggaling siya sa ibang network.
Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Richard na bago pa siya pumirma ng kontrata, meron na siyang mga natanggap na offer mula sa Kapuso Network at curious siya na subukan ito.
Gayunman, hindi lang tumutugma ang pagkakataon.
Bukod dito, mayroon din siyang mga kaibigan sa Kapuso Network na napansin niyang masasaya.
"I was really curious because they were so happy with being a Kapuso, that's what got my interest. Na parang, we could find another home na puwede pala nating mapuntahan. That's what happened," kuwento ng aktor.
Para kay Richard, ang pagkakaroon niya ng kontrata ay isang bagay na tila imposibleng mangyari noong mga nakaraang buwan.
"I actually can't believe it kasi a year ago or a few months ago, this was not even possible I think," sabi ng aktor.
"Pero now that it's already here, I'm really very thankful, I'm very grateful for GMA-7 for betting on me na when at this time it's the pandemic na ang daming ibang stations that are letting go of people, there are so many people losing their jobs, I guess I'm just so lucky to be accepted and to be a part of GMA-7, to be a Kapuso," pagpapatuloy ni Richard.
Bukod dito, pinasalamatan niya rin ang Kapuso audience na mainit siyang tinanggap.
"Actually I was surprised kasi akala ko hindi ako kilala ng mga Kapuso fans. It turned out nakilala rin pala nila ako. Of course, coming from another network you're expecting na hindi sila nanonood sa'yo and all that. So it's really a welcome surprise na kilala rin pala ako ng mga fans," sabi ni Richard.