Muling ipinakita ni Joey de Leon ang kaniyang pagiging "Henyo Master" matapos siyang mag-compose ng isang maikling kanta tungkol sa bakuna, sa tono ng "Manila" ng Hotdog.
Sa kaniyang Instagram, inilarawan ni Joey sa pamamagitan ng lyrics ang kadalasang eksena sa tuwing binabakunahan ang mga bata.
"Bakuna, ang aking naaalala, dahil ngayon ang bakuna, bakuna topic ngayon," pagkanta ni Joey.
"I remember nu'ng bata pa ako, parang kagat lang ng langgam, mga doktor 'yan sinasabi, sa tuwing ika'y magtatanong," saad pa sa lyrics.
"Pangalan mo pa nga lamang 'Bakuna,' masakit na nu'n sa aking tainga. 'Pag karayom na ay nakikita, mga bata'y ngumangawa na."
Isinulat ni Joey ang kanta ngayong nagiging usap-usapan ang tungkol sa bakuna.
Ayon sa gobyerno, halos 25 milyong Pilipino na binubuo ng frontline health workers, mga mahihirap at uniformed personnel ang mauunang makatatanggap ng COVID-19 vaccine sa pagsisimula ng mass immunization program sa bansa sa unang anim na buwan ng 2021.
Target na mabakunahan ang 60 hanggang 70 milyong Pilipino sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
Bukod sa pagiging Eat Bulaga Dabarkads at isang comedian, kilala rin si Joey bilang isang aktor at songwriter. —Jamil Santos/KG, GMA News