Damang-dama na ang Pasko sa tahanan ng ilang Kapuso celebrities dahil sa iba't ibang makukulay na decor at motifs.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, makikita ang pagkarami-raming snowman decors sa bahay ng Legaspi family.

Mula front door hanggang pagpasok, napalilibutan na ang bahay ng snowman decors kaya naman mistulang "dreaming of a white Christmas" na si Carmina.

Pati ang kanilang toilet, may mga disenyong snowman na rin na iba-iba ang laki.

Ni-recyle naman ni Carmina ang ilan niyang Christmas decors, na nakahiligan na niya.

Si Sheena Halili naman, may white at pink motif na disenyo ng kaniyang Christmas tree.

Inaasahan ngayong Disyembre na isisilang na si Sheena ang kaniyang baby girl.

May Christmas vibes na rin sa bahay nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na madidinig ang mga Christmas jingle.

Bago pa dumating ang Setyembre, may Christmas tree na sila na may kulay white, red at green na decors.

"Pagdating ng 'Ber' pine-play ko na 'yung mga Christmas songs para maramdaman talaga natin 'yung Pasko. And siyempre ang sa akin lang, madaming nangyaring pagsubok pero hindi pa rin tayo pinababayaan ni Lord, madami pa ring blessings na binibigay sa atin," sabi ni Rodjun.

"And 'yung pinakamalupit na blessing, 'yung greatest blessing namin ngayong 2020 is si Baby Joaquin," sabi nina Rodjun at Dianne.

"'Pag nakikita ko 'yung Christmas tree, nami-miss ko 'yung mom ko. And si Rodjun din, it brings back childhood memories talaga na kasama pa namin 'yung mom namin," sabi ni Dianne.

Si Ysabel Ortega, pretty in pink ang Christmas tree at ornaments sa kanilang bahay sa La Union. Kada taon, pink na may accent ng silver ang kanilang mga dekorasyon at regalo.

Inumpisahan na ni Ysabel at ng kaniyang ina ang pag-set up ng Christmas tree sa mga unang araw ng Ber months.

"It's been a tradition na po talaga sa family namin, especially with my mom, 'yun po 'yung parang bonding namin. It helps uplift our spirits dito sa house. It reminds us to be grateful na there is still Christmas, there's still the holidays to look forward to, and we're still healthy up to this day," sabi ni Ysabel.

Sina Rochelle Pangilinan naman at Arthur Solinap, candy-theme ang Christmas tree.

"Ngayon nilagyan ko ng mas matutuwa 'yung mata ni Shiloh," sabi ni Rochelle.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News