Ipinakilala na ang Top 6 na maglalaban-laban para sa Grand Finals ng "The Clash" Season 3 sa Disyembre 20. Gayunman, mababawasan pa sila dahil lima lang ang mapapasama sa "Top of the Clash."

Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing matira matibay na para sa Top 6 na sina Larnie Cayabyab, Yuri Javier, Sheemee Buenaobra, Renz Robosa, Jennie Gabriel, at Jessica Villarubin.

Iisa lang ang tatanghaling kampeon sa finals ng Kapuso reality singing competition.

Para sa The Clash hosts, wala na silang itulak kabigin dahil mahuhusay ang lahat at deserving na manalo.

Deserving na manalo at mahuhusay ang lahat ng Clashers, kaya wala nang "itulak kabigin" sa kanila, para sa The Clash hosts.

"Sobrang nakaka-proud lang po. From the very beginning sobrang ipinakita nila 'yung kanilang galing, ipinakita nila 'yung makakaya talaga nila and 'yung best talaga nila. Every week silang nag-i-improve," ayon kay Julie Anne San Jose.

Kabilang sa mga matatanggap ng The Clash Grand Champion na premyo ang house and lot, kotse, P1 million cash at GMA Exclusive contract.

Aabot din ng mahigit P4 million na worth ng mga premyo.--Jamil Santos/FRJ, GMA News