Sinimulan na ni Ken Chan ang kaniyang gasoline station business, na matagal na niyang pinangarap.
Sa kaniyang Instagram, ikinuwento ni Ken na binisita niya ang mga ipinapatayo niyang gasolinahan sa Bulacan at Pampanga.
"In process of completing some long time goals of mine Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along! " saad ni Ken.
Bukod dito, inilahad din ni Ken na meron pa siyang kasunod na branches.
"Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which Cities! Maraming-maraming salamat Ama! #SoonToOpen"
Bukod sa negosyo, busy rin si Ken sa showbiz projects tulad ng bagong Kapuso drama series na "Ang Dalawang Ikaw."
Sa naturang serye, muling makakatambal ni Ken si Rita Daniela.
Kakaibang role muli ang gagampanan ni Ken na mayroong multiple personality.
Bukod dito, magtatambal din sila sa pelikulang "My First and Always." --FRJ, GMA News