Inilahad ng Kapuso star na si Heart Evangelista ang pinagdaanan niyang depresyon at ang pagsangguni niya sa mga duktor.

Sa video ng Kapuso Showbiz news, sinabi ni Heart na maaaring nagkapatong-patong ang kaniyang dinadala dahil na rin sa mga pinagdaanan niya noon sa buhay.

Katunayan, inisip niya raw noon na may "pattern" na sa kaniyang buhay na kapag may magandang nangyari ay may kasunod na hindi magandang mangyayari.

Pero nangyari umano ang tinatawag niyang "major attack" noong Nobyembre ng nakaraang taon na ang bukod sa sakit sa emosyon at nakararamdam na rin siya ng sakit sa kaniyang katawan.

“The week after my birthday usually is the best time of your life, but it was the peak where I honestly started to think about my life and what I wanted to do with it,” saad niya.

“I was having really bad thoughts because my anxiety and depression was so bad that I had physical pains, I had my mouth pain, tongue pain that I couldn't eat and there was no medicine for it," patuloy niya.

Pero nang hindi na raw niya kayang kontrolin ang kaniyang iniisip, doon na siya humingi ng propesyonal na tulong.

“I went to seven, eight doctors. I went to different doctors, I went to go see a general surgeon, oncologist, neurologist, and a therapist, and the therapist told me that when you’re an overly active person or your very creative, your mind doesn’t really shut down. It just keeps working,” kuwento ng aktres.

Nais daw ipaalala ni Heart sa iba na may katulad niyang pinagdaanan na hindi sila nag-iisa at walang buhay na matatawag na perpekto.

“Wala ’yan sa ganda ng damit, wala yan sa ganda ng Instagram. Lahat tayo may pinagdadaanan,” saad niya.

Nitong nakaraang Biyernes, nagsalita si Heart tungkol sa mental health sa virtual international event na Global Town Hall 2020, kung saan siya ang tanging Filipina sa panel of speakers. – FRJ, GMA News