Wala nang buhay nang makita sa kanilang bahay sa Seoul ang South Korean comedian na si Park Ji Sun at ang kaniyang ina nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng The Korea Herald, ang ama ni Park Ji Sun ang tumawag sa pulisya na hindi niya makontak sa telepono ang kaniyang mag-ina.

Wala nang buhay nang dumating ang mga awtoridad sa kanilang bahay.

Patuloy pang iniimbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ng mag-ina. Pero sa paunang pagsusuri, wala umanong nakikitang palatandaan ng external injuries ang aktres at kaniyang ina.

Nagsimula si Park Ji Sun noong 2007 sa KBS. Unang iniulat na sumasailalim siya sa gamutan. —FRJ, GMA News