Puwede nang mapanood ng mga Kapuso sa abroad ang mga paborito nilang programa ng GMA kahit nasaan silang lugar-- sa loob man o labas ng kani-kanilang bahay.
Ayon sa GMA International (GMAI), mangyayari ito sa papamagitan ng TV Everywhere (TVE), na value-added free service sa mga existing TV subscriber.
Sa TVE, mapapanood ang mga GMA programs gamit ng internet tulad sa computers, mobile phones, at tablets.
"With TVE, viewers can now watch well-loved Kapuso shows anytime, anywhere both inside and out of home on multiple screens apart from just being able to watch on their TV sets," ayon sa pahayag ng GMAI.
“As we celebrate our 15th anniversary, GMA International continues to look for more avenues to serve Filipinos abroad and provide better and constantly improving service especially to our faithful subscribers,” sabi ni GMA Network First Vice President for International Operations Joseph T. Francia.
Mapapanood ang mga GMA program sa TVE sa pamamagitan ng mga partner-carrier sa iba't ibang bahagi ng mundo. Kabilang dito ang TVE sa United States sa pamamagitan ng Comcast's Xfinity stream TV app, Charter’s Spectrum TV app at Cox’s Contour TV app.
Sa Canada, available ito sa Telus’ Optik TV, Rogers’ Ignite TV app, at Bell's Fibe TV app.
Mayroon din sa StarHub TV+ app sa Singapore at PPCW’s Now Player app sa Hong Kong.
Sa ngayon, mapapanood ng mga Kapuso sa abroad ang GMA programs sa tatlong international linear channel na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International, at video-on-demand services sa 104 bansa sa mahigit 40 carriers globally.
Ang GMA Pinoy TV ay 24-hour entertainment channel na nagtatanghal ng mga sikat na drama, top-rated variety shows, at family programs in Filipino.
Ang GMA Life TV ay 24-hour lifestyle channel na mapapanood ang iba't ibang entertainment shows, food, travel, culture, lifestyle programs, at English-dubbed dramas.
Sa GMA News TV International, matutukan naman ng mga Kapuso sa abroad ang mga maiinit na balita na hatid ng mga pinaka-pinagkakatiwalaang news personalities, pati ang mga makabuluhang dokyumentaryo, at public affairs programs.
Para mag-subscribe sa GMA International’s channels, bisitahin ang www.gmanetwork.com/international. --FRJ, GMA News