Ipinaliwanag ni Asia's Got Talent 2015 finalist Gerphil Flores kung bakit siya kumuha ng kursong Arts sa University of British Columbia kahit pa nakapagtapos na siya sa UP Diliman ng kursong Music.

Sa panayam sa kaniya sa "Just In," sinabi ni Gerphil na noong nagkolehiyo na siya, pinagpipilian talaga niya ang Fine Arts at Music.

"Noong nag-enter ako sa UP, iniisip ko kasi kung ano ang kukunin ko, kung Fine Arts ba or Music. Noong time na 'yun I did not only fall in love with music, but also with arts in general. Painting, architecture, sculpture," kuwento ni Gerphil.

Kaya naman naisip niya ring kumuha ng exam sa fine arts, bukod sa music.

Ngunit nagkataon na naunang lumabas ang kaniyang mga resulta sa College of Music, kaya ito na ang naging kurso ni Gerphil.

Natapos ni Gerphil ang kaniyang kurso sa UP noong 2016, pero hindi itinigil ni Gerphil ang pangarap niyang mag-aral din ng arts.

"I remember there was one picture that I took tapos nag-post ako sa Instagram ko. And sabi ko 'This month (September 6, 2017), I'm turning 27 and yet I don't think I'll ever get tired of learning. Tapos sobrang tuwang tuwa talaga ako na nakapasok ako sa UBC (University of British Columbia)," ani Gerphil.

Taong 2019 nang makapagtapos naman sa Arts si Gerphil.

"If there is one thing I learned in life that I will never get tired of sharing with others is that you should never stop learning. Learn more, discover more," saad niya sa kaniyang Facebook post nang ianunsyo ang graduation.

 

If there is one thing I learned in life that I will never get tired of sharing with others is that you should never stop...

Posted by Gerphil-Geraldine Flores on Wednesday, June 5, 2019

--FRJ, GMA News