Nagbabala ang GMA Artist Center sa publiko tungkol sa mga pekeng social media account o mga taong nagpapanggap mga kinatawan ng talent arm ng GMA para manghingi ng mga pribadong larawan o impormasyon ng mga tao.
"GMA Artist Center warns the public of fraudulent personalities and/or social media accounts claiming to be its representatives in order to solicit private photos and information," saad nito sa isang pahayag.
Nagpaalala ang talent arm ng Kapuso Network na magbigay ng impormasyon o makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na e-mail o account nito.
"For those who wish to send audition videos, you can send it to artistcenter.vtr@gmail.com. Please follow online VTR mechanics and requirements."
"For reference, these are the ONLY OFFICIAL GMA Artist Center accounts:
IG: @artistcenter
Twitter: @ArtistCenter
Facebook: @OfficialGMAArtistCenter
TikTok: @artistcenter
Email: ArtistCenter@gmanetwork.com and artistcenter.vtr@gmail.com”
On going pa rin ang online auditions sa Artist Center.
"Note: These are our ONLY social media accounts Instagram, TikTok and Twitter: @artistcenter, Facebook: OfficialGMAArtistCenter, YouTube: youtube.com/GMAArtistCenter," saan sa post.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News