Ibinahagi ni Max Collins ang kakaibang paraan para mapakinabangan pa ang kaniyang placenta pagkatapos manganak, nang gumawa at uminom siya ng smoothies gamit ito.
Sa kaniyang latest vlog, inimbitahan ni Max ang kaniyang doula na si Irina Otmakhova para ipaliwanag ang benefits ng pagkonsumo ng sariling placenta.
Ayon kay Otmakhova, ang placenta ay merong nutrients at hormones na nakatutulong para manumbalik ang lakas ng isang ina pagkatapos manganak.
Kabilang na rito ang stress-fighting hormones para makaiwas ang isang nanay sa postpartum baby blues.
Ngunit paalala ni Max sa mga nanay na susubok nito, huwag ibahagi ang sariling placenta sa ibang nanay, at ang ina lang mismo ang dapat kumonsumo sa sarili niyang placenta.
"You might think that your placenta is just a bloody mess after giving birth but you can actually get so much nutrients from it after—all you need to do is find a clever way of ingesting it again for your body to enjoy!" caption ni Max.
Panoorin ang recipes ng "placenta smoothies" na sinusubukan ni Max. -- FRJ, GMA News