Hindi napigilang maging emosyonal ni Solenn Heussaff ngayong balik-trabaho na siya sa showbiz sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
"I'm starting to feel normal again as a person and siyempre pagbalik ng work after almost one year na walang trabaho on showbiz. I'm starting to feel life is getting a little bit normal. So masaya talaga ako," sabi ni Solenn sa Kapuso Showbiz News.
Inanunsyo ni Solenn na balik na siya sa Kapuso lifestyle show na "Taste Buddies," kung saan kasama niya si Gil Cuerva.
Hiling naman ni Solenn, sana matapos na ang pandemya.
"I hope that everyone is staying safe at home. I'm praying for all of us that this too shall pass very soon," saad ng Kapuso host-actress.
"Ako, I learned so much this 2020. Kahit mahirap sobrang happy," dagdag pa niya.
Matapos nito, dito na nagsimulang maiyak si Solenn, habang inaalala rin ang kaniyang mga pinagdaanan sa gitna ng pandemya.
"So yes. Oh my gosh ang weird, sorry guys. As you can see, mahirap."
Sa kabila nito, looking-forward naman si Solenn na magtuloy-tuloy ang kaniyang mga proyekto.
"Kasi ako, dahil maraming nangyari, and meron akong projects, I did a breastfeeding [clothing] line recently, and there is something that I am launching soon next year sa January, sana it all falls into place," saad niya.
Bukod sa panandaliang pagkawala ng trabaho, ilan pa sa mga ikinalungkot ni Solenn ay nang hindi siya makapag-produce ng breast milk para kay baby Thylane sa kaniyang breastfeeding journey nitong 2020.
"Just cooperate and become creative, you just need to keep inspiring yourself. Kahit mahirap 'yung mga araw minsan kailangan talaga na pinu-push 'yung mga sarili niyo para maghanap ng bagong activity or new learnings because you can do so much with this time, if you just take it into perspective," payo ni Solenn.--FRJ, GMA News