Mapapanood na rin ang Philippine adaptation ng "Descendants of the Sun" sa Netflix Philippines.
Ito ang kauna-unahang GMA program na ipalalabas sa Netflix, kung saan mapapanood ang 65 na episode ng "DOTS PH" sa walong magkakasunod na Biyernes simula Nobyembre 13.
Narito ang mga episode ng “Descendants of the Sun Philippines” at ang petsa kung kailan sila mapapanood sa Netflix Philippines:
- Episodes 1-30 - Nobyembre 13;
- Episodes 31-35 - Nobyembre 20;
- Episodes 36-40 - Nobyembre 27;
- Episodes 41-45 - Disyembre 4;
- Episodes 46-50 - Disyembre 11;
- Episodes 51-55 - Disyembre 18;
- Episodes 56-60 - Disyembre 25;
- Episodes 61-65 - Enero 1, 2021
Pinagbibidahan ito nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado bilang sina Alpha team leader Captain Lucas Manalo at cardiothoracic surgeon na si Dr. Maxine Dela Cruz, na mas kilala bilang sina “Big Boss” at “Beauty.”
Kasama sina ng mga award-winning actor na sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith, bilang sina Technical Sergeant Diego Ramos a.k.a. “Wolf” at Captain Moira Defensor.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, kasama rin sa cast sina Chariz Solomon, Andre Paras, Jon Lucas, Paul Salas, Pancho Magno, Neil Ryan Sese, Renz Fernandez, Lucho Ayala, Prince Clemente, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles, Ian Ignacio, at Carlo Gonzalez.
Natanggap ng DOTS PH ang "Most Popular Foreign Drama" award mula sa 15th Seoul International Drama Awards nitong Setyembre, kung saan pinarangalan din si Dingdong ng Asian Star Prize sa magaling niyang pagganap sa series.
Ang “Descendants of the Sun Philippines" ang pinakamalaking produksyon ng GMA Network ngayong taon sa pagdiriwang na rin ng ika-70 anibersaryo nito.
Ang pagpapalabas naman ng DOTS PH sa Netflix ay bahagi ng pagpapalawak pa ng GMA Network ng platform nito sa digital para maabot pa ang mas maraming Kapuso viewers. —LBG, GMA News