Bukod sa mga Guinness World Records na kanilang naitatala, may panibagong maipagmamalaki ang K-pop girl group na Blackpink.
Matapos nilang ilunsad ang kanilang unang full album, ang Blackpink na ang kauna-unahang girl group na narating ang number 1 ng Billboard's Artist 100, ayon sa ulat ng Soompi.
Sa linggo ng October 17, umarangkada ang Blackpink mula sa no. 65 spot patungo sa top spot ng Billboard's Artist 100 chart.
Ang kanilang album na "The Album," nanguna rin sa World Albums Charts.
Ang kanilang awitin na "Lovesick Girls" ang nasa No. 2 ng Global 200 chart, sunod sa Jawsh 685, Jason Derulo at "Savage Love (Laxed - Siren Beat)" ng BTS.
Dahil sa sunod-sunod na tagumpay, ilalabas na sa Netflix ang first ever documentary ng Blackpink ngayong Oktubre. —FRJ, GMA News