Nagbigay ng pahayag si Rhian Ramos tungkol sa napapansin ng netizens na tila mas payat siya ngayon.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing hindi rin nakaiwas si Rhian na maging anxious o makadama ng anxiety ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Napansin naman ng ilang tao ang tila mas payat pa si Rhian kaysa dati niyang pangangatawan.

Dahil dito, sinagot ni Rhian ang tanong kung may pinagdadaaanan ba siyang eating disorder.

"Of course not. In fact 'pag nakatingin ako sa salamin alam ko, nakikita kung ano 'yung itsura ko. It's not like I'm trying to lose weight because I feel big. No," saad niya.

"Kasi iniisip talaga ng tao na nag-diet or nag-cardio ako para pumayat nang ganito pero 'yung totoo lang talaga, it's out of stress," pag-amin pa ng Kapuso actress.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Cuddle clothing ???? @loungeapparel Just use my discount code RHIAN10 ????

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 

Samantala, kasama si Rhian sa "Truly. Madly. Deadly" episode ng bagong Kapuso drama anthology nitong Setyembre na, "I Can See You."

Kasama niya sa episode ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Pinagsamang "love" at "mystery" daw ang kanilang "I Can See You" series.

"Nakakatuwa sa kuwento na ito, sa lahat ng three characters, lahat sila mga gray characters, hindi sila perfect, hindi rin sila masama, mga biktima sila ng circumstances nila," sabi ni Rhian.

Maliban dito, sasalang din si Rhian sa halos isang buwan na lock-in taping ng "Love of My Life."

"Dadalhin ko ang aking yoga mat, and meron din akong mga resistance bands na dadalhin kasi siyempre alang nga namang magdala ako ng weights, ang bigat-bigat nu'n. Para 'pag may mga day-off may puwede akong gawin to workout or something," anang aktres.

"I think once na pumasok kami doon, kahit outside food bawal pumasok sa set so baka magdala ako ng sarili kong snacks, kailangan 'yan," sabi pa niya.

Nagpasalamat din si Rhian na ligtas at malayo sa sakit ang kaniyang pamilya, sa kabila ng pagsubok ng pag-adapt sa "new normal."

Napapadalas din ang bonding time nila ng kaniyang ina at kapatid na babae.

"Sunday is my favorite day of the week, ito 'yung pinaka-social na day ko because I get to spend it with my family. Nagluluto kami ng lunch and dinner. Tapos laging pa-impress 'yung mga dishes," kuwento niya.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News