Sa online show na "Just In," hiningi ni Jose Mari Chan ang pananaw ng host nitong si Paolo Contis kung bakit nga ba kahit ilang dekada na ang lumipas ay patuloy na inaawit ng mga Pinoy ang kaniyang "Christmas in Our Hearts."
Pero bago nito, tinanong muna ni Paolo ang batikang mang-aawit kung naisip ba niya na magiging "epitome" siya ng Philippine Christmas songs.
Naging very humble naman ang naging sagot ni Jose Mari.
"Long before I was born, we already had many classic Filipino Christmas carols. I'm just fortunate, I'm just lucky that my song has lasted this long thirty years, year after year after year, sung by many generations of Filipinos," paliwanag niya.
Matapos nito, hiningi naman ni Jose ang opinyon ni Paolo kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang kaniyang awiting "Christmas in Our Hearts."
Sandaling mapatigil at napaisip si Paolo.
"To be honest, alam mo 'yung nakaka-[relate] siya sa mga bata. I know old Christmas songs, it's just your songs are much more relatable, easier to sing for people. Especially with how you told me how you composed, it's just talking...it's like talking to someone with a beat," sagot ni Paolo na kaniyang honest opinion.
Kasunod nito, si Paolo naman muli ang nangtanong kay Jose Mari at inalam niya kung ano ang paboritong Christmas song ng batikang mang-aawit.
Ang naging sagot ni Jose Mari ay isang lumang Christmas song na wala sa kaniyang mga isinulat pero napakagandang awitin na tungkol sa pagsilang ni baby Jesus. Alamin sa video ang sagot. --FRJ, GMA News