Sa pagpasok ng "Ber" months, nilagyan ng bagong twist ni Jose Mari Chan ang isa sa kaniyang mga hit Christmas song para magbigyan ng pag-asa sa mga Pilipino ngayong may COVID-19 pandemic.
Ibinahagi niya ito sa "Unang Hirit" nitong Martes kung saan kasama ni Jose na kumanta ang kaniyang mga anak at apo.
Inangkop ni Jose ang "Christmas In Our Hearts" sa kasalukuyang panahon kung saan lahat ay dumadaan sa pagsubok dala ng COVID-19.
Ayon sa lyrics:
"Whenever I hear girls and boys
Singing carols in my mind,
I remember the past
When everything was fine.
Whenever I see people
Giving gifts to those in need,
I believe this Christmas
We should be there to lead.
Let's open up our hearts
For a bright tomorrow,
In any way we can
And drive out all our sorrow."
Ginawa ring makabago ni Jose ang kaniyang 1990 hit na "A Perfect Christmas," para sa mga magdiriwang ng Pasko na mawawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.
"My idea of a perfect Christmas,
is to spend it with you.
We could Facetime an hour or two,
Any app would do.
Carry with you this Yuletide season,
it would light up my life.
Though we are distant,
You'll see in my face
That my heart is with you."
Sa kaniya ring interview, inilahad ng itinuturing "Father of Philippine Christmas Music" na plano niyang tulungan ang mga grupo ng mga carol singer sa paghahatid-saya ng Pasko sa pamamagitan ng musika.
“I’ve had already two groups that are going to carol this Friday. They represent a foundation helping the poor and so I told them, ‘Okay. I’ll be there with you. I will sponsor. I will donate,” kuwento ng beteranong singer-songwriter.
At sa panahon ngayon kung saan marami ring kababayan ang nangangailangan ng tulong, binalikan ni Jose ang ilang mahahalagang linya sa kaniyang "Christmas Moments."
"I remember my Christmas when we went around,
My daddy took us down to some orphans in town,
He gave some goodies away,
Happy faces made our day
We learned that giving and sharing,
Is the real Christmas way."
--Jamil Santos/FRJ, GMA News