Habang papalapit na ang "ber" months, nagsimula na ring maglabasan ang mga meme ng tinaguriang "Father of Philippine Christmas music" na si Jose Mari Chan.

Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, ipinakita ang ilan sa mga nakakatuwang meme ng mang-aawit sa social media na naghahanda nang lumalabas.

May isa namang meme na nagwa-warm up at may stretching pa ang singer.

Pero natatawang paglilinaw ni Jose Mari, "That's not my body ha... I don't stretch that much."

Ayon kay Jose, labis siyang natutuwa sa mga kumakalat niyang meme.

"I'm flattered, I'm complemented and I feel rewarded that after 30 years the song that I wrote 'Christmas In Our Hearts' is still loved and sung by people year after year. So it's a gratifying feeling," pahayag niya.

"They are using the same picture. So in a sense, in those memes I'm forever young," masaya pang sabi ng batikang singer.

Pero may pabiro din siyang pangamba tungkol sa mga meme; "Actually the latest meme that came out, hindi ako naka-mask. So sabi ko baka hulihin ako ng authorities."

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, marami ang nag-aalala kung papaano ipagdiriwang ng mga Pinoy ang Pasko ngayong taon.

Ayon sa cultural analyst at historian na si Professor Jimmuel Naval, tuloy na tuloy pa rin dapat ang Pasko kahit may pandemic.

"Tuloy pa rin ang Pasko dahil 'yung Pasko ay simbolo ng pag-asa. Kailangan natin ng mas maraming Pasko sa palagay ko kasi pagdating ng Pasko maraming nagbabago. Puwedeng ang Pasko ay hindi gamot sa COVID, pero babaguhin nito ang attitude natin," sabi ni Naval.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News