Sa online celebrity game show na "Quiz Beh," inilahad ni Vaness del Moral na mas gusto niyang kaeksena ang lalaki sa mga eksenang mananakit siya. Samantala, sinong artista naman kaya ang kinainisan daw ni Thea Tolentino dahil hindi nag-sorry sa kaniya sa isang eksenang sakitan din?
"Usually sa mga eksenang ganyan [sakitan] mga lalaki [ang gusto ko]. Kasi sa kanila hindi mo kailangang magkontrol," saad ni Vaness.
"I mean you can control pa rin naman but not as much kapag babae yung kailangan mong sabunutan or sampalin," paliwanag pa niya.
Importante rin daw na pagkatapos ng mga eksenang sakitan ay dapat lapitan ang kaeksena at alamin kung okey lang ito.
Patuloy ni Vaness, kung batid naman niyang nadala siya sa eksena at nasobrahan ang kaniyang ginawa, humihingi siya ng paumanhin.
Pero si Thea, sinabing may kaeksena siya na hindi nag-sorry sa kaniya kaya nag-hyperventilate daw siya sa inis. Sino kaya ang artistang ito? Panoorin ang video.--Jamil Santos/FRJ, GMA News