Sa isang online conference, nagbigay ng makahulugang mensahe ang American popstar na si Katy Perry sa kaniyang fans na mahaharap sa pagsubok sa buhay. Kasabay nito, itinuturing niyang "silver" lining ang kaniyang pagbubuntis sa harap ng nagaganap na pandemya.
Sa panayam ni Nelson Canlas para sa GMA News "24 Oras," sinabi ni Katy na; "I have been saying I will not write off 2020 because it is not fair to my unborn daughter just yet who obviously is the silver lining to this piece of sh** year."
Kabuwanan na ni Katy ngayong Agosto at ayon sa singer-songwriter, binago ng kaniyang baby ang mga pananaw niya sa buhay.
"As I turn into Mama Bear, it's gonna get even bolder. And so I am excited to take that new-found fire and apply it in all aspects of my life," ani Katy.
Taong 2017 nang dumaan daw sa depresyon si Katy. Pero nalagpasan niya ito, at inipon ang mga pinagdaanan at isinulat sa isang album na kaniyang ilalabas.
"'It's funny, I was really debating about putting this record out in this timing. I think everyone that's putting something out in 2020 is going 'Is this helping?' And for me I think this record has a lot of thoughtfulness to it, a lot of hope, a lot of resilience, a lot of joy, and a lot of good energy," paliwanag niya.
Sinorpresa din ni Katy ang kaniyang fans nang maging fan meet ang inakala nilang simpleng online conference lamang.
Sa tuwa ni Katy, ipinakita pa niya sa fans ang kaniyang baby bump.
Payo ng international singer sa fans na alagaan ang kanilang mga sarili, lalo ang aspetong emosyonal.
"Tears are made of salt, and salt water heals you. We take saltwater bath so that our bodies can be healed. So it's your body's way of saying 'I'm gonna heal you right now.' Anyone that's crying and crying a lot, great. They're just healing themselves," ayon kay Katy.--Jamil Santos/FRJ, GMA News