Naibalik na sa Filipino-Canadian na si Mara Soriano ang nanakaw niyang teddy bear na may voice recording ng kaniyang yumaong ina. Ang Hollywood actor na si Ryan Reynolds na nag-alok ng pabuya para mahanap ang teddy bear, masaya sa magandang balita.
Naging sobrang mahalaga kay Mara ang naturang teddy bear na iniregalo sa kaniya ng kaniyang ina noong Pasko ng 2017. Laman nito ang voice recording ng kaniyang ina na nagpapahayag ng labis na pagmamahal sa kaniya.
Noong nakaraang taon, pumanaw ang kaniyang ina dahil sa cancer kaya lalo pang naging mahalaga kay Mara ang teddy bear at tinawag niyang "Mama Bear."
“She really wanted to give me a reminder of home and of them and it brings me closer to my Filipino culture because the message is in Tagalog and I really love that,” sabi ni Mara nang panayam via internet ni Oscar Oida sa GMA News para sa “24 Oras” nitong Huwebes.
Pero noong July 24, nanakaw ang teddy bear habang abala sa nilipatang bahay si Mara sa Vancouver, Canada.
Labis itong ikinalungkot ni Mara kaya gumawa siya ng paraan para makita ang laruan.
“It feels like namatay siya rin, you know? It feels like I lost her again. She gave it to me as an important reminder of who she was and i lost it. so i was really devastated,” ani Mara.
Nanawagan si Mara sa social media at nagpaskil ng mga missing poster hanggang sa makarating sa kaalaman ng aktor na si Ryan ang nangyari sa teddy bear at nag-alok ng $5,000 sa sinomang makatutulong para maibalik ang laruan.
Ilang araw matapos nito, nakatanggap ng mensahe si Mara.
“We got an email last night from the good samaritan who had found mama bear. He saw the CCTV footage from my twitter and it was all over the news, and he recognized the person who stole the bag. And he met us at a safe space and he handed her over. And it was as easy as that, I got her right back,” masayang kuwento ni Mara.
“He said he put himself in danger for it, so I’m very grateful to him. And I believe him. Walang...we didn’t involve the police po. It’s just very straight forward. Ryan Raynolds already gave him the reward money,” idinagdag nito.
Nag-tweet din ng kasiyahan si Ryan na naibalik na kay Mara si 'Mama Bear.'
In happier news... thank you everyone who searched high and low. To the person who took the bear, thanks for keeping it safe. Vancouver is awesome. #FoundMarasBear https://t.co/X7FlyiR89P
— Ryan Reynolds (@VancityReynolds) July 29, 2020
Sabi ni Mara, hindi niya alam kung paano papasalamatan ang lahat ng tulong, lalong-lalo na si Ryan na naging true to life hero para sa kaniya.--Joahna Lei Casilao/FRJ, GMA News