Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ang kuwento ng buhay ng namayapang komedyanteng si Kim Idol, na sa kabila noon ng karamdaman sa utak na arteriovenous malformation o AVM ay nananatiling masayahin at positibo ang pananaw sa buhay.
"It's called an AVM, arteriovenous malformation. Nag-rupture 'yung akin noong 2015 siguro dala nu'ng stress na meron ako that time," kuwento noon ni Kim.
"Pumutok siya, luckily hindi ako na-comatose kasi usually mako-comatose ka, hindi ka na magigising," dagdag ng comedian.
Dahil sa kaniyang kondisyon, nag-iba raw ang pananaw ni Kim sa buhay.
"I am a positive person but it transformed me into a more positive na tao when it happened to me. I look at life now differently," sabi niya.
Ang aral ng tunay na buhay ni Kim: "Learn from others' mistake. Magtiwala ka sa gut geel, sa inner voice. Maybe that's God telling you something."
Nitong nakaraang Lunes, pumanaw si Kim sa edad na 41, dahil sa naturang karamdaman. (BASAHIN: Comedian at frontliner na si Kim Idol, pumanaw na)
Tunghayan muli ang makulay at masayang kuwento ng kaniyang buhay at kung papaano siya napasok sa mundo ng propesyon na kaniyang minahal, ang magpatawa at magpasaya. Panoorin.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News