Binuksan ng celebrity doctor na si Hayden Kho sa publiko ang kaniyang buhay at isiniwalat na naabuso siya noong bata at nakaranas ng depresyon.

“When I was young, I was molested twice,” saad ni Hayden sa Facebook video na naka-share kay Peter Tan-Chi, founder ng Christ’s Commission Fellowship (CCF) nitong Miyerkules.

Pakiramdam daw noon ni Hayden ay pinabayaan siya ng Diyos at inisip na, “if you are a just God, then why didn’t you do anything?”

Nang magtapos ng medisina at pumasok sa showbiz, gumawa raw siya ng sarili niyang imahe na mamahalin siya ng tao, bagaman hindi ito ang totoong siya.

“I started creating this image but this image is not me so if people fall in love with that image, that’s not me,” saad niya.

“Deep inside when you’re alone in bed at night, you think, ‘what a miserable life I have.’ I have all these things but I’m alone and nobody knows me.,” patuloy niya.

Para kay Hayden, ang pakiramdam ng hindi minamahal, hindi kilala, at hindi nakikita ay bunga umano ng kaniyang depresyon at kawalan ng pag-asa.

Pero nagbago raw ang lahat nang magtungo siya sa India para sa outreach program.

Gamit ang mamahaling camera na halos P1 milyon ang halaga, kumuha raw siya ng mga larawan ng mahihirap na mga batang babae nang makaramdam siya ng kalungkutan at nagsimulang umiyak.

“What am I doing taking a picture of this poor child?” sabi niya. “If I sell this camera I can feed this whole school.”

Matapos umano ang naturang paglalakbas sa India, nagsimula nang magbago ang pananaw niya sa buhay.– FRJ, GMA News