Pinasalamatan ni Valeen Montenegro si Kuya Willie Revillame dahil sa pagbibigay nito ng platform sa mga artista, at paghahatid ng entertainment kahit pa mayroong COVID-19 pandemic.
Sa "Wowowin-Tutok To Win," ikinuwento ni Valeen na gumawa siya ng 30 araw na live workouts sa kaniyang Instagram channel ngayong quarantine.
"Naisip ko na madami akong nai-inspire so tinuloy-tuloy ko siya sa YouTube channel ko. Hindi naman ako coach pero at least I live for the people that I say na nai-inspire sila," sabi ng Bubble Gang babe.
At tumatakbo raw sa isip niya nang panahon ng lockdown: "Hanggang kailan ba 'to? I want this to be all over."
Kasabay nito, nagpasalamat siya kay Kuya Wil sa patuloy na pagpapasaya sa mga tao sa kabila ng kinakaharap na pagsubok ng bansa sa COVID-19.
"Tsaka as in, Kuya Wil gusto kong sabihin sa inyo na lahat ng ginagawa niyo for everyone in this room and sa lahat ng nanonood, we are super thankful for the ideas that you have," sabi ni Valeen.
"Kasi, grabe, as in nakikita ko kasi sa Facebook din and sa YouTube, nakikita ko na talagang ang daming gustong manalo, ang daming gustong mawala lang 'yung isip nila sa pandemic ngayon," saad niya.
"Thank you so much kasi nagpapa-entertainment tayo ng mga tao and siyempre sa mga artista din na hayuk na hayuk na gumalaw at mag-entertain," dagdag niya.
Tugon naman ni Kuya Wil: 'Yung Wowowin naman, noon pa naman 'yan gumagawa ng paraan para makapagpasaya. Iba kasi 'yung nagpapasaya ka na, may naibibigay ka pa." --FRJ, GMA News