Inilahad ni Gabbi Garcia na isa sa kaniyang mga natutunan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ang tumulong, lalo na kung mayroon kang kakayanan.
Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Gabbi na masaya siya sa naging tagumpay ng "Pay It Forward" drive na sinimulan niya kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos at iba pa nilang kaibigan.
"Super happy, nakaka-overwhelm. At first kasi we were doubting. Our target is just P300,000, and we were really so scared na baka hindi namin maabot."
"Pero grabe, two days, we reached our target and sumobra pa, ang dami-dami pa rin talagang mababait na puso," sabi pa ni Gabbi.
Kamakailan lamang din, nakipag-partner sila sa isang brand para sa isang Facebook live, kung saan ang proceeds ay mapupunta rin sa Pay It Forward.
Balak daw ituloy ang kanilang NGO kahit pa tapos na ang COVID-19 pandemic.
"Kahit after this COVID-19 pandemic, kapag may iba pang kailangang tulungan or may iba pang nangyari, we will still continue with the NGO," saad ng Kapuso actress.
"So kung kaya mong tumulong, tumulong tayo. Tayo na lang ang magdamayan dito kasi it's a world-crisis. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo," pahayag ng aktres.--Jamil Santos/FRJ, GMA News