Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at gumaling ang ina ng Kapuso actor na si Karlo Duterte na si Gel, na head nurse sa isang ospital sa United Kingdom. Ayon kay Gel, hindi niya kaagad ipinaalam kay Karlo ang pagpositibo niya sa virus.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, ikinuwento ni Gel, nagsimula muna siyang nakaramdam ng lagnat, sakit ng ulo at pagkahilo bago siya isinailalim sa COVID-19 test.

“There was one day po when I was at work when I spiked [to] a temperature of 39 degrees. I was lethargic, I was having rigors, I was feeling nauseous, I had [a] headache,” paglalahad ng ina ni Karlo.

Nang malaman niya na taglay niya ang virus, inamin ni Gel na antakot siya at nag-alala sa kaniyang anak.

“When I found out that I was COVID-positive, I did not tell my son straight away. I told my siblings first. It took me, I think, about three days before I told Karlo,” sabi ni Gel.

“I couldn’t eat, I couldn’t even move, I couldn’t even get out of bed because I was that weak, I was that frail. All I could think of during that time was my son. What if something happens to me? What if I get worse? He won’t see me and that would be the worst thing,” patuloy niya.

Ayon kay Karlo, hindi siya makapaniwala at labis na nabigla nang malaman niya ang nangyari sa ina.

“I was shocked. ‘Yung tipong hindi ako makapaniwala. Agad-agad ang ginawa ko is minessage ko si mama. Ang dami kong tinanong… ultimately, I just said, ‘Ma, it’s okay. Alam kong matapang ka, alam kong strong ka, and alam kong kayang kaya mo ‘yan,’” pahayag ng binata.

Matapos gumaling, bumalik na umano kaagad sa trabaho si Gel.

“Alam kong workaholic si mama. Alam kong kahit isang araw lang pagkatapos niyang gumaling, magtatrabaho siya kaagad. Sobrang saludo ako sa mama ko,” ayon pa kay Karlo.--FRJ, GMA News