Kusang-loob na nag-donate ang singer na si Michael Pangilinan at ang kaniyang pamilya ng P50,000 sa "Tutok To Win" para makatulong pa sa mga nangangailangan ngayong may COVID-19 crisis.

"Meron lang naisip 'yung buong family ko and kami... meron naman tayo iba-ibang own little ways kung paano tayo tutulong, hindi naman kailangan sobrang laki o sobrang yaman o kung ano man 'yun... Gusto kong magbigay ng konti lang naman from our own pockets," saad ni Michael sa Wowowin.

Ipinagkatiwala na ni Michael kay Kuya Wil at sa Wowowin ang kanilang donasyon.

"Ngayon 'yung panahon na dapat sama-sama lang tayo, kaya ako 'yung P50,000, for me malaki 'yun kasi marami akong mabibili sa bagay na iyon," saad niya. — Jamil Santos/DVM, GMA News